Kamakailan lamang ay inamin ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na hindi rin siya pinatawad ng COVID-19, habang na sa United Kingdom.
Aniya, kahit kumpleto siya sa bakuna (pati flu at pneumonia vaccines) ay nakasagap pa rin siya ng virus, at naranasan pa ang lahat ng mga sintomas.
"I caught COVID here in the UK even though I’ve been fully vaccinated & received my booster shot already. Kumpleto din ako ng flu & pneumonia vaccines. I eat healthy & I’m active, but I still got it. I got all the symptoms too. Fever, sore throat, body pain, runny rose, cough, & I also lost my sense of smell & taste. It’s not like a regular cold or flu that goes away after a few days. I’ve never been sick for this long, which lasted more than a week," pagbabahagi ni Pia.
Sa kasalukuyan ay mukhang maayos na raw siya pati na ang kapatid na si Sarah Wurtzbach dahil negatibo na sila sa COVID-19. Grateful umano siya dahil hindi nahawa sa kaniya ang mga magulang.
"I’m one day away (from) completing isolation with my sister, @sarahwurtzbach who also caught it. We both tested negative already, thank God."
"The worst is through. I am recovering well. I am beyond grateful my parents are safe. Di sila nahawa sa akin."
Nagbigay pa siya ng paalala sa publiko.
"Guys, COVID is so real. My timeline shows that many have/had it too, both in the Philippines & abroad. And the numbers are going up exponentially. Please take this seriously (because) anyone can get it no matter how healthy you are. Being fully vaccinated doesn’t stop you from getting the virus but it helps you overcome it."
"Please follow health & safety protocols. I think it’s the moment you put your guard down, doon ka mahahawa. You think you're safe & usually yung makakahalubilo mo walang symptoms. Akala mo all is well. Pero, nahawa ka na pala at may possibility na maipasa mo sa iba nang di mo alam."
"It seems easy for anyone to just break protocols & still go out even when they know they tested positive. Feeling nila, di sila mahuhuli or wala namang nagbabantay. I’ve personally seen other people do this. Meron pa diyan, may symptoms na & have the means to get tested pero ayaw nilang maconfirm na may COVID sila, tapos lalabas pa rin. Naku, konsensiya n'yo na lang 'yan. Konting personal accountability, please."
"Ang dami nang nagkasakit. I don‘t wanna sound preachy but let’s not be selfish & go breaking protocols, hoarding supplies, refusing to get tested & vaccinated.
I hope we can start 2022 right. Let’s look after one another by getting those jabs, staying in isolation if needed, stop gathering in big groups, frequent hand washing, & please wear those masks properly."
Nagpasalamat naman siya sa mga nagpaabot ng kanilang concern sa kaniya. Subalit may isa raw basher na nagsabing deserve daw niya ang magka-COVID dahil 'lakwatsera' siya.
"I deleted it already pero may nag-comment pa na I deserved this because I travel? And that I had it coming? Kilabutan sana kayo sa mga sinasabi n'yo. Iba na talaga mundo ngayon. Sana di n'yo maranasan 'to," pahayag ng dismayadong si Pia.
Sa kaniyang latest IG post, makikitang mukhang maayos na nga si Pia dahil nakakalabas at nakakapaglakad-lakad na siya.
"It always gets worse before it gets better. But I’m still standing. Still walking towards brighter days ahead."