Aprubado ng Commission on Elections (Comelec) ang pagtakbo sa Kamara ng Mothers for Change Partylist sa Mayo, pagkukumpirma ni Comelec Spokesperson James Jimenez sa isang press briefing nitong Miyerkules, Enero 12.

Matatandaang naging kontroberyal ang naging paghahain ng partylist lalo nang maging bahagi ang kilalang volleyball player at dating beauty queen na si Michelle Gumabao sa hanay ng nominees kasama si dating Presidential Communications and Operations Offoce (PCOO) Assistant Secretary at dating Assistant Secretary and ex-Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Executive Director Mocha Uson.

“They (Mothers for Change) met all the requirements for a sectoral organization. That was the justification of the decision,”giit ni Jimenez.

Parehong hindi mga ina ang first nominee na si Uson at ang second nominee na si Gumabao.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!