Disgraceful at shameful.'

Hindi napigilan ng dating beauty queen na si Maggie Wilson na ipahayag ang kaniyang saloobin tungkol sa dobleng presyo ng COVID-19 antigen test kits na ibinebenta sa Pilipinas, at kung bakit hindi libre ito gayong sa ibang bansa gaya ng United Kingdom, ay nagagawa ito.

Ayon sa kaniyang post sa Instagram stories, hindi raw niya naiwasang maihambing ang galawan ng bentahan ng COVID-19 antigen test kits sa UK at Pilipinas.

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

May be an image of 1 person and text
Screengrab mula sa IG/Maggie Wilson

"So I inquired about buying a box of antigen test kits for a friend who's based in the UK for her family here in the PH. The prices of a box of 20-25 kits have now doubled," aniya.

Inilarawan niya ito bilang 'disgraceful' lalo't nasa kalagitnaan ng pandemya ang lahat.

"It's disgraceful how the people who are selling them are taking advantage of the situation and upping the prices due to demand. Greed! We have no price regulations in place."

Maya-maya, napuna rin niya ang kawalan ng libreng antigen test kits sa Pilipinas gayong sa UK daw ay libre itong makukuha ng mga tao.

"It's even more disgraceful that our government does't offer them for free."

"In the UK< anyone can walk into a pharmacy and ask for a box of laterflow test kits for FREE. Each kit even has a QR code where you can scan and register your results on the National Health Service Website."

"Here in the Philippines, at current prices, we have to pay ₱10,000 a box!"

"Shameful!"

Marami sa mga netizen ang nagsabi pang nagkakaubusan pa nga raw ng antigen test kits, at ang pila ay mahaba rin sa pagbili nito.

Narito ang iba pang reaksyon at komento ng mga netizen:

"Dito rin sa Thailand, di libre antigen test kit, kaniya-kaniyang bili. Ang yaman naman kasi ng UK madam, kumpara mo naman ang Pinas.

Disgraceful."

"I agree. Sinusunod kasi ang law of supply and demand."

"Libre po antigen sa LGU, doon kayo sa LGU n'yo lumapit."

"Kahit dito sa Qatar di po libre ang antigen test kits, 35QR kung ayaw mo pumila ng napakahaba o ma-expose sa mga swabbing booth, health centers at gov’t hospital."

"A classic case of 'Dito sa UK, dito sa Canada, dito sa Australia.' Dito sa abroad. Sa kanila libre ang healthcare, or me subsidy, if not at all free. This is...da Pilipins!"