Nagbigay ng update sa kaniyang health condition ang Queen of All Media na si Kris Aquino, sa kaniyang latest Instagram post nitong Enero 12.

Sinabi ni Kris na hindi pa talaga siya okay, ngunit hindi ibig sabihin nito na hihinto na siya sa pagtulong.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/12/kris-aquino-ibinida-ang-pa-libreng-800-covid-19-antigen-test-kits-cheese-pandesal-kahit-may-sakit/

“Inamin ko na malayo sa okay ang kalusugan ko… pero ginagawa pa rin namin ang lahat ng kakayanin sa ngayon, para makatulong sa kapwa,” aniya sa kaniyang latest IG post.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Simple ang dahilan ko, hindi nyo kami iniwan nung kami ang nangangailangan… i am just reciprocating in the way i am at present able to, the LOVE, SUPPORT, KINDNESS, COMPASSION, and LOYALTY many Filipinos have give me and my family, especially now that many need assistance. Lahat ng napangakuan, ginagawan ng paraan na matupad bago mag January 25, birthday in heaven ng mom ko,” aniya.

Sa pamamagitan ng quote cards, ibinida niya ang pamamahagi niya ng 800 piraso ng COVID-19 antigen test kits at cheese pandesal sa mga empleyado, pasyente, at mga kasama nila sa Philippine General Hospital (PGH) na sinimulan niya ngayong Miyerkules, Enero 12, at sa mga susunod pang 9 na Miyerkules.

Sa isa pang quote card, sinabi niya na alam niyang marami na naman ang magtataas ng kilay sa pagbabahagi ng kaniyang mga tulong kahit na may sakit siya. Wala na raw siyang pakialam kahit batikusin pa siya. Aniya, kailan daw ba naging masama ang paggawa ng kabutihan?

Screengrab mula sa IG/Kris Aquino

Sa bandang dulo, nagbigay siya ng unsolicited advice sa mga 'nakaupo' na hindi naman niya tinukoy kung anong sangay ng pamahalaan.

"Kayo ang nakapuwesto ngayon, madaling humingi ng donations, especially kapag nag-THANK YOU ang MALACANANG, honored ang donors."

"Simple lang po-lahat nakatulong, lahat may mahalagang nagawa para sa mahal nating bansa."