Dahil sa muling paglobo ng kaso ng COVID-19, partikular ang Omicron variant, muling nagamit at naibida ni Kim Chiu ang sumikat na linya niyang 'Bawal lumabas' na nagawan na rin ng kanta, sa kasagsagan ng pandemya noong 2020.

Sa kaniyang Instagram post, nanawagan si Kimmy na sana naman daw ay maging responsable na ang lahat; kung sinabihang mag-isolate, mag-quarantine, at bawal lumabas, huwag nang lumabas, lalo na kung may sintomas na at nagpositibo na rin sa antigen o swab tests.

May mga kaibigan din siyang tinamaan ng sakit kaya ang payo niya ay 'Bawal lumabas' muna.

"For me, some of my friends, loved ones are infected by Omicron. I hope and pray that this will be the beginning of the end. Keep safe everyone. Bawal Lumabas muna bahay muna, pahinga from all the parties and vacation that we had, Take this time to reflect, reset, eat healthy, exercise, drink your vitamins and plan for the rest of the days of 2022," ayon sa kaniyang caption.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“If you have any of the symptoms please isolate na kaagad para di mahawa yung mga kasama nyo sa bahay. More than anything we really have to be responsible. Kaya natin 'to. Take care everyone,” sabi pa ni Kim na isa sa mga lagari sa Kapamilya Network ngayon dahil bukod sa may 'It's Showtime' na, may 'ASAP Natin 'To' pa.

Kim Chiu (Screengrab mula sa IG)

Noong 2020, umani ng batikos mula sa netizen ang mga pahayag ni Kim Chiu tungkol sa ABS-CBN shutdown. Inihalintulad niya ito sa batas sa loob ng silid-aralan sa mga paaralan.

"Sa classroom, may batas. Bawal lumabas, oh, bawal lumabas… pero 'pag sinabing, 'pag nag-comply ka na bawal lumabas, pero may sina… may ginawa ka sa 'pinagbabawal nila, inayos mo 'yung law ng classroom n'yo, at sinubmit mo ulit, ay, pwede na pala ikaw lumabas," pahayag niya na agad na naging viral.

Kim Chiu (Screengrab mula sa YT)