Sinabi ng social media personality na si Jam Magno na para sa kaniya, qualified maging senador si senatorial aspirant at action star Robin Padilla, batay sa kaniyang inilabas na video at ibinahagi sa kaniyang social media platforms, nitong Enero 11, 2022.
Binanggit pa ni Magno na mas mahusay pa umano si Robin kaysa sa sinumang kaalyado ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo o maging kay VP Leni mismo. Kitang-kita raw ang dedikasyon ni Robin sa pagtulong, sa pagsalanta ng bagyong Odette sa Kabisayaan noong Disyembre 2021.
"ROBIN PADILLA IS BUSIER THAN MOST INCUMBENT SENATORS HELPING TYPHOON ODETTE VICTIMS. AND I HONESTLY HOPE HE WINS," direktang pahayag ni Magno.
"You don’t have to agree with me but Robin Padilla is a way better bet than those in Leni’s roster- even better than Leni herself."
"Clearly I know enough to say that he has always been a long standing ally of the President. And that he missed Christmas and New Year’s to be with Typhoon Odette Victims (rather) than to be with his beautiful and funny wife Mariel and their kids."
Bagama't binabatikos ng ilan ang kaniyang plataporma, na inihalintulad pa sa pag-iisip ng isang Grade 6 class president, para kay Magno ay madaling maintindihan ang plataporma niya dahil nauunawaan kaagad ng masa. Huwag daw pagtawanan si Robin dahil kung tutuusin ay matalino umano ito.
"His platform is easy to understand and he has walked his talk for years. And unbeknownst to many I actually heard that he’s one smart guy too. So again to the people making fun of him. Shame on you and your bets who think the Philippines only has 1,700 islands."
Isa pa, naniniwala si Magno na si Padilla ang tunay na kinatawan ng mga Muslim sa senado. Si Magno ay nabibilang din sa Muslim community.
"I believe in him because I genuinely want peace in Mindanao too. I want the Muslim Community to be represented with a voice that can bring their plight to the Senate so we may create laws to better serve our Muslim brothers and sisters as well."
"I also know that we need to elect new faces who have put in the work for years prior to their political bid. I believe in people who uplift others by lending their voice to something no one even cares about."
"So Good luck Sir Robin. And I hope to meet you soon. INGAT," pahayag ni Magno kalakip ang kaniyang video.
Nakarating naman ito sa kaalaman ng senatorial aspirant at agad na nagpasalamat sa pag-endorso sa kaniya ng social media personality. Inamin ni Robin na tagahanga siya ni Jam Magno.
"Assalamu alaikum," pagbati ni Robin.
"Mam Mabuhay po. Maraming-maraming salamat po sa inyo. Ako po ay tagahanga po ninyo. Pupuntahan ko po kayo upang tayo po ay magkadaupang palad."