Umaabot na ngayon sa mahigit 208,000 ang active cases ng COVID-19 sa Pilipinas nitong Miyerkules, Enero 12.

Ito’y matapos namakapagtalapa ang Department of Health (DOH) ng 32,246 bagong kaso ng sakit.

Dahil sa nasabing karagdagang kaso, umaabot na ngayon sa 3,058,634 ang kabuuang bilang ng sakit sa bansa.

Sa naturang bilang, 6.8% pa o 208,164 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

National

65% ng mga Pinoy, umaasang magiging masaya ang Pasko

Sa mga aktibong kaso, 197,091 ang mild cases; 6,435 ang asymptomatic; 2,872 ang moderate cases; 1,468 ang severe cases; at 298 ang kritikal.

Naitala rin ng DOH ang 5,063 bagong gumaling sa sakit kaya umabot na sa 2,797,816 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 91.5% ng total cases.

Nasa 144 naman ang iniulat na namatay sa karamdaman nitong Miyerkules. Sa ngayon, ang Pilipinas ay nakapagtala na ng 52,654 total COVID-19 deaths o 1.72% ng kabuuang kaso.

Mary Ann Santiago