Inamin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Miyerkules, Enero 12 na nahahadlangan ng mas mababang pondo ngayong 2022 ang kanilang pagsisikap sa contact tracing.

Sa isang panayam sa ANC, sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na ang ahensya ay nahaharap sa isang laban dahil ang badyet para sa mga contact tracer nito ay P250 milyon lamang para sa 2022.

“For this year, there was a decrease in the budget of the DILG for contact tracing funds. We were only given P250 million by Congress in the General Appropriations Act (GAA) of 2022,” paliwanang ni Malaya.

Ngunit sinabi ni Malaya na magpapatuloy sila sa pagkuha ng mga contact-tracer sa kabila ng pagbabawas ng badyet.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Binanggit ng tagapagsalita ng DILG na ang departamento ay gumawa ng mga representasyon sa mga local government units (LGUs) para ma-absorb nila ang 15,000 contact tracers na dating nasa ilalim ng mga pakpak nito.

“We already talked to the LGUs (local government units) and we asked them to absorb first the contact tracers that are now with them because under the Mandanas ruling many of the LGUs have increased IRA (internal revenue allotment). So we are asking them to absorb first in the meantime those contact tracers which could not be renewed by the DILG because of the slash of our budget for contact tracing,” paliwanag ng opisyal.

Sa pamamagitan ng contact tracing na isang function ng lokal na pamahalaan, sinabi ni Malaya na sila ang pangunahing namamahala sa contact tracing at ang kanilang mga tauhan ang ginagamit para sa contact tracing sa ilalim ng direksyon ng city or municipal epidemiological surveillance unit kaya naman pinakikilos din natin ang mga BHERT (Barangay Health Emergency Response Teams) bilang mga contact tracer.

Chito Chavez