Tinatayang aabot sa siyam na kilo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱61,200,000 ang nakumpiska sa tatlong umano'y big-time drug pushers sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Taguig City kamakailan.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Christian Ely Desiderio, 19, taga-16A Cadena de Amor Street, Wawa, Taguig City; Jerico Rayos Torres, 19, taga-04 Kampupot St., Wawa, Taguig City; at John Andree Santos, 22, taga-16E Kalayaan St., Ususan, Taguig City.

Sa naantalang ulat ng mga awtoridad, nagkasa ng buy-bust ang mga tauhan ng Philippine National Police- Drug Enforcement Unit (DEU), National Capital Region Police Office, Southern Police District, Taguig City Police at Philippine Drug Enforcement Agency sa Block 20, Unit D, Sta. Ana, Prudence, Taguig City, dakong 9:30 ng gabi nitong Enero 10, na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlong suspek.

Nasamsaman ng pulisya ang nasabing halaga ng iligal na droga, marked at boodle money, at dalawang cellular phones.

Metro

Mga deboto ng Jesus Nazareno na nangailangan ng atensyong medikal, pumalo sa 900<b>—Red Cross</b>

Nasa kustodiya ng PNP-DEG ang mga suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bella Gamotea