Pumalag si Presidential aspirant at Vice President Leni Robredo sa mga nagpapakalat ng balitang nangangalap umano ng “personal information ng voters” ang kanyang inisyatibang “Bayanihan E-Konsulta.”

“Fake news at the height of the worst surge is unforgivable,” ani Robredo.

Pinabulaanan ng Bise Presidente ang mga kumakalat na paratang na nangongolekta umano ng precint numbers ang kanyang Telekonsulta.

Giit pa ni Robredo, “Anyone can try our Bayanihan e-Konsulta page. We cater to everyone. Walang pinipili. Hindi pa eleksiyon, ginagawa na namin ito.”

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Dito ipinagmalaki ng aspiring president ang kanilang hindi matatawaran na “consistency sa serbisyo, may eleksiyon man o wala.”

Ani Robredo, makapagpapatunay dito ang libu-libo na nilang mga pasyente na natulunagn, ang higit 1,000 volunteer doctors at higit 3,000 non medical volunteers.

Pakiusap ng opisyal, “Advise lang sa naninira, baka gusto niyo nang tumulong. Grabe pangangailangan ng mga kababayan natin ngayon.”

Sa huli, nanawagan si Robredo na ireport ang mga nagpapalakat ng pekeng balita.