Nilinaw ng Department of Health (DOH) nitong Martes, Enero 11, na ang Delta variant pa rin ang nananatiling dominanteng coronavirus variant sa Pilipinas.

“Sa ngayon po, ang Delta variant pa rin ang pinakamataas na mayroon lineage sa ating bansa comprising of about 43 percent of detections. Kasunod nito 18 percent for Beta variant, 15 percent for Alpha variant, and Omicron— 43 detections— ito po ay 0.21 percent pa rin,” ani DOH Undersecretary Rosario Vergeire.

Ito ang paglilinaw ni Vergeire matapos ang ulat ni DOH Secretary Francisco Duque III noong Lunes ng gabi tungkol sa pinakabagong update sa mga variant ng coronavirus sa Pilipinas. Sinabi niya na ang tinutukoy ni Duque ay ang mga resulta ng kamakailang batch ng buong genome sequencing lamang—kung saan ang Omicron ay nakitang nangungunang variant sa bansa.

“He was explaining about the most recent run— dahil ang most recent run nakita po natin na mas madami po ang Omicron detections kumpara sa ibang mga variants na atin pong nakikita sa ating bansa,” aniya sa iysang press briefing.

National

Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Ito ay pinangunahan din ni Philippine Genome Center Executive Director Dr. Cynthia Saloma, na nagsasabi na ang pahayag ni Duque ay dapat na "interpreted in context."

Yung sinabi sa atin ni Secretary should [be] interpreted in context. It was really based on the last sequencing run,” sabi ng opisyal sa isang hiwalay na briefing.

“I would like to repeat na iyong ating whole genome sequencing data, iyong sinabi sa atin ni Secretary was primarily based on the 48 samples,” dagdag pa niya.

Matatandaang ang resulta ng kamakailang buong genome sequencing ay inilabas noong Enero 2.

Bagaman Delta ang nangingibabaw na variant sa Pilipinas, sinabi ni Saloma na talagang nakikita ang presensya ng Omicron.

“Yung indication kasi na talagang ang Omicron is nasa palibot na natin is really this very, very fast increase of cases na almost exponential,” sabi ni Vergeire.

“On every day we are just perplexed and shocked with the increase in the number of cases and this is really very characteristic of Omicron as experienced also by other countries,” dagdag niya.

Analou de Vera