Hangad ng showbiz columnist at talent manager na Manay Lolit Solis na sana raw ay magkaayos na ang magkapatid na Anjo at Jomari Yllana, isama pa ang jowa ni Jomari na si Abby Viduya o mas nakilala bilang 'Priscilla Almeda', kaugnay ng akusasyon ni Anjo sa sariling kapatid na ibinulsa nito ang campaign funds na ibinigay sa kaniya ng sponsor, para sa kaniyang pagtakbo nilang kongresista sa Camarines Sur.

Ayon kay Lolit, parang hindi raw magandang tingnan na nagkakaaway-away ang mga magkakapatid dahil lamang sa politika.

"Sana naman maayos na iyon away nila Anjo at Jomari Yllana, Salve. Kasi nga parang hindi maganda na magkapatid sila pero heto at nag-aaway at very public pa. Parehong may mga anak ang dalawa na dapat nilang isipin dahil nakikita na nag-aaway sila," ayon sa caption sa Instagram post ng showbiz columnist.

"Dapat nga sa ganitong panahon, happy together ang lahat dahil patunay ang mga nangyayari sa paligid na ang ikli lang ng buhay, enjoy na lang. Huwag nang masyado pang seryoso at maging mabigat sa dibdib ang mga nangyayari."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kaya naman pakiusap niya: "Anjo at Jomari, patch up na. Tigil na, ayusin na iyan. Pareho kayong Yllana, dapat kayo ang magkakampi. Please."