Sa muling pagputok ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod ng Pasig, mas pinaigting din ang tracing capacity nito.

“Nagdagdag na po tayo ng emergency personnel sa contact tracing at sa ibang mga LGU health facility, pero short pa rin tayo,” ani Pasig City Mayor Vico Sotto sa isang Facebook post nitong Martes, Enero 11.

Sa pagtatala ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), bagaman bumaba ang reproduction rate sa lungsod, inaasahan pa rin ang pagtaas ng mga kaso kaya’t pinag-iingat pa rin ang publiko.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Larawan mula Pasig City Mayor Vico Sotto

“Ayon sa ating CESU, kahit na bumababa na ng konti ang reproduction rate ng covid, TATAAS PA ang bilang ng kaso, kaya ingat pa rin,” sabi ni Sotto.

“Maaring mas mild ang sintomas sa Omicron variant, ngunit dahil sa bilis nitong kumalat ay dumadami pa rin ang mga naoospital,” dagdag ng alkalde.

Pinayuhan din ni Sotto na magkusa na mag-isolate ang nakakaramdam ng sintomas ng sakit.

Kasalukuyang nasa 2,045 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pasig.

Dahil sa mataas na vaccination rate sa National Capital Region (NCR), inirekomenda ng ilang eksperto na manatiling ilagay sa Alert Level 3 ang rehiyon.