Ang anim na district hospital sa Maynila ay mag-aakomoda lang ng COVID-19 patients na nasa malubha o kritikal na kondisyon, inihayag ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso noong Lunes, Enero 10.

Inilabas ang bagong policy shift para magamit ang mga hospital bed para sa mga pasyente ng COVID-19 sa gitna ng dumaraming kaso ng COVID-19 na dulot ng variant ng Omicron.

Ang anim na Manila district hospitals ay ang Gat Andres Bonifacio Memorial Hospital, Ospital ng Tondo, Justice Abad Santos Medical Center, Ospital ng Sampaloc, Sta. Ana Hospital, the New Ospital ng Maynila.

“Para naman sa ganon, magamit natin yung ospital for its original purpose – bigyan ng tamang atensyon yung ibang sakit na dumadapo sa ating mga kababayan, tulad ng cancer, sakit sa puso, mga diabetic o nagangailangan ng dialysis, naganganak o yung mga sanggol,” sabi ng alkalde.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang mga may banayad na sintomas ngunit may kasabay na kondisyon at nangangailangan ng wastong pangangalaga sa ospital ay tatanggapin din.

Sinabi ni Domagoso na makakatulong din ito na panatilihing bukas ang mga ospital para sa iba pang mga pasyente na nakakaranas ng iba pang karamdaman maliban sa COVID-19.

Pagpupunto niya, “Kasi po pagbubuhos ng bubuhos ang pagtanggap ng COVID-19 patients na mild but healthy persons, ay mauubusan po tayo ng espasyo at resources para sa ibang mga sakit.”

Samantala, ang mga pasyente na asymptomatic o nakakaranas ng banayad na sintomas ay hihilingin na ihiwalay sa kanilang mga tahanan. Ang mga walang espasyo para sa tamang isolation ay dadalhin sa iba't ibang quarantine facilities ng lungsod.

Nakapagtala ang bansa ng record daily high COVID-19 cases na mahigit 33,000 noong Lunes, Enero 10.

Jaleen Ramos