Naaresto ng Makati City Police ang dalawang illegal drug traders at nasamsaman ng kabuuang ₱510,480 halaga ng umano'y marijuana at shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Makati City nitong Enero 10.

Kinilala ni Southern Police District chief Brig. General Jimili Macaraeg ang mga suspek na sina Jonnie Domingo, alyas Onnie, 26, at Joshua Ochinang, alyas Joshua, 23, kapwa residente sa naturang lungsod. 

Dakong 7:00 ng gabi nitong Lunes ikinasa ang buy-bust operation ng mga tauhan ng Makati Drug Enforcement Unit sa Guyabano St., Barangay Rizal, Makati City na nagresulta ng pagkakaaresto nina Domingo at Ochinang.

Binentahan umano ng dalawang suspek ang police poseur buyer ng isang bloke ng umano'y marijuana sa halagang ₱32,000.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nasamsam sa mga suspek ang tinatayang 2,500 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng ₱300,000; 30 gramo ng shabu na may standard drug price na ₱204,000; 5.4 gramo ng kush na nagkakahalaga ng ₱6,480; weighing scale; paper bag; marked money at ₱31,000.00 boodle money.

Sina Domingo at Ochinang ay sasampahan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,na kapwa nakakulong ngayon sa Station Custodial Facility ng Makati City.

"I congratulate the Makati Police for another big accomplishment in our continuous intensified drug campaign. These only exhibits are dedicated to our sworn duties and responsibilities to fight against all forms of criminalities and keeping the community safe and peaceful," ani Macaraeg.

Bella Gamotea