Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko na huwag bumili ng maramihang gamot kung hindi rin namang kailangan sa gitna ng pagtaas ng bilang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

“Let us not be greedy in purchasing medicines If you don't need it, don't buy. We are not the only ones who want to live,” ang pakiusap ni Bishop Oscar Jaime Florencio, hepe ng CBCP Ministry on Health sa isang radio interview.

Ipinasya ni Florencio na umapela matapos maiulat ang umano'y kakakulangan ng mga gamot sa mga botika sa Metro Manila, katulad ng paracetamol at iba pang gamot sa trangkaso.

Nitong nakaraang linggo, inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na nagsisimula nang maging normal ang suplay ng paracetamol at iba pang gamot sa trangkaso sa mga botika sa Metro Manila.

National

Akbayan Party-list, nagpahayag ng suporta sa impeachment laban kay VP Sara

Marami na rin aniya ang nais na magpabakuna matapos maiulat ang unti-unting pagtaas ng bilang COVID-19 cases, hindi lamang sa Metro Manila kundi sa iba pang karatig na lugar.

'Yes I believe, it’s a way to get vaccinated. We already have the vaccine, let us give assurance to those unvaccinated that it is safe,” lahad pa ni Florencio.

PNA