Dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19, bumagal ang vaccination rate ng bansa, ayon sa National Task Force (NTF) against COVID-19, nitong Lunes, Enero 10.

“Ang gusto nating rate ay 1 million to 1.5 million per day. Unfortunately, dahil sa ating surge ng cases, some of ating doctors and nurses ay nare-recall sa ating COVID wards. May mga vaccinators din tayo na nai-infect, so nag q-quarantine sila ng ilang araw bago sila makabalik, so bumabagal ang ating vaccination rate," ani Dr. Teodoro "Ted" herbosa sa Laging Handa public briefing.

Samantala, sinabi rin ni Herbosa na ilang local government units (LGUs) ang nagpasyang ipagpatuloy ang paggamit ng mobile vaccinations dahil sa kakulangan ng mga tauhan na magsasagawa ng inoculation drive sa mga vaccination centers.

Sinabi rin niya na sa Philippine General Hospital (PGH), pansamantalang itinigil ang booster inoculations dahil sa kakulangan ng manpower sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 viral transmission.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“Ganon din kami sa PGH. In fact sa PGH, hininto muna namin ang pagbabakuna ng booster doses sapagkat kulang na kami ng doctor at nurse na maga-admit lang doon sa COVID areas," dagdag pa niya.

Mula sa datos ng National COVID-19 vaccination dashboard, ipinakita na noong Linggo, Enero 9, nasa 113,364,030 vaccine doses ang na-administer na sa Pilipinas. Sa naturang bilang, 52,393,229 ang nakatanggap ng second dose. 

Charlie Abarca