Kumasa ang mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna sa challenge na sagutin ang mga tanong na ipinukol sa kanila ng mga netizen, na ibinahagi naman sa TikTok account ng kanilang mga tagahanga.

Isa sa mga nakapagpakilig sa mga netizen ay nang sagutin ni Derek ang tanong na 'Sa lahat ng naging babae mo, how do you know that Ellen is the one for you?'

Sagot ni Derek, "Of all the women I’ve been with, she’s the only one I wanted to marry."

Napa-sana all na lamang ang mga netizen at ang haba-haba raw talaga ng hair ni Ellen!

National

Inflation, 'most urgent concern' na dapat pagtuunan ng PBBM admin -- OCTA

Ngunit paano nga ba nagsimula ang relasyon nina Ellen at Derek?

Matatandaang noong 2020 ay napabalita ang pakikipaghiwalay nila sa kani-kanilang mga karelasyon; si Derek kay Andrea Torres at si Ellen naman ay kay John Lloyd Cruz.

Pagpasok ng 2021, marami ang nakakitang magkasama sina Ellen at Derek sa mga pa-dinner sa bahay ni Derek at magmula noon, nagkakasama na sila ni Ellen maging sa pagwo-workout. Buwan ng Pebrero nang kumpirmahin nila ang kanilang relasyon.

Inamin nila na kahit isang buwan pa lamang ang kanilang pag-iibigan, pakiramdam daw nila ay isang taon na ang nilalakad ng kaning relasyon. Talagang nagkaroon ng 'magic' at 'spark' sa kanilang dalawa, na nagsimula naman bilang magkaibigan.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/02/16/ellen-present-sa-special-dinner-sa-bahay-ni-derek/

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/02/27/derek-at-ellen-kumpirmadong-magdyowa-na/

Hindi naging 'smooth-sailing' ang relasyon ng dalawa lalo't kahihiwalay nga lamang nila sa kani-kanilang mga ex, kaya marami ang humusga sa kanila na hindi rin magtatagal ang kanilang relasyon.

Ngunit sa buwan ng Marso, muling nagulat ang mga netizens sa balitang engaged na sila. Doon na nagsimulang sundan ng mga followers at bashers ang kanilang mga sweet moments na ibinabahagi nila sa kani-kanilang mga social media accounts.

Matatandaang sa naging panayam ni Nelson Canlas sa 24 Oras noon, kukumbinsihin umano niya si Ellen na pakasalan siya upang patunayan dito na sila na ang forever; ang problema, hindi umano naniniwala sa konsepto ng kasal ang nobya.

Buwan ng Setyembre, ginawa ang kanilang prenup photoshoot, na kinunan ng mga wedding photographers na sina Pat Dy at Chissai Bautista sa Anilao, Batangas.

Makikitang ang kanilang naging venue ay kalikasan, partikular sa talahiban o matataas na damo, at ang ilan naman ay sa kotse. 'Forever D' naman ang naging tawagan nila sa isa't isa.

Ang wedding coordinators nila na 'La Belle Fete Weddings' ang nag-ayos ng prenup photoshoot. Ang nag-style sa kanila ay sina Rain Dagala and Em Millan, katuwang sina Elaine Villapando at Rioliza Camantigue.

Buwan ng Oktubre ay isinagawa ang pamamahagi ng kanilang mga wedding invitations at ang paglabas ng kanilang prenup photos.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/13/prenup-photo-shoot-nina-derek-at-ellen-ibinida-cant-wait-my-love/

At nitong Nobyembre nga---ikinasal na sila! Malapit na rin nilang ipagdiwang ang first anniversary ng kanilang pagiging mag-jowa.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/11/ellen-adarna-at-derek-ramsay-kasal-na/