Naging usap-usapan ngayon sa social media partikular sa Facebook ang nangyaring pagnanakaw umano ng kasambahay ni DOTr Asec. Goddes Hope Libiran noong Sabado.

Noong Sabado, Enero 8, ibinahagi ni Libiran sa kanyang Facebook ang tungkol sa umanong ninakawan siya ng kanyang kasambahay habang siya ay nagpapa-booster shot.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

"Nagpa-booster lang ako, pagbalik ko sa bahay, wala na lahat ng alahas at pera ko," ani Asec. Libiran.

"Shout out sa bagong maid ko na nagpaalam lang na bibili ng bawang at sibuyas sa labas kaninang 1:30PM, pero hindi na bumalik!" dagdag pa niya.

Inilahad ni Libiran ang pangalan, larawan at mga Facebook profile umano ng kanyang kasambahay.

"Iba ka, Manang. Nagmalasakit pa akong ipagamot ka kahapon dahil sa sakit mo, tapos ganito lang gagawin mo sa pamilya ko? Ibang klase ka."

Kaugnay nito, tila nabahiran umano ng politika ang naturang pangyayari dahil may ilang netizens ang nagkomento ng mga umanong "Marcos apologist" sentiments sa ulat ng isang news site tungkol sa naturang pangyayari.

"Innocent until proven guilty. May mga Supreme Court ruling ba na nagpapatunay na si Manang talaga nagnakaw? Respect my opinion."

"move on nalang tayo. marami naman ata nagawa"

"Ok lang yan ang mahalaga maraming nagawang maganda sa bahay nyo ang kasambahay mo. The best maglinis, magluto, maglaba, at iba pang gawaing bahay. Paglaki ng anak ihire mo ulit dahil the best naman ang magulang nya. Pero tandaan mo na ang kasalanan ng magulang ay hindi kasalanan ng anak. #KasambahayMagnanakaw"

"bakit si manang agad ang magnanakaw? me ebidensya ka ba? naconvict ba sya ng supreme court? haller ang dami nya kayang nagawa para sa bahay! saka excuse me lang po, sa tagal nanilbihan ni manang nakaipon din sya ng maraming pera at alahas!  kaya #manangParin"

"Kunin mong katulong 'yung anak niya para makabangon ka muli #BangonBayanMuli"

"Classic case of, madami Naman sya nagawa para sa inyo. Kalimutan mo na Yung nangyari. Kunin mo ulit kasambahay Yung anak nya."

"Na-Marcos ka Sister!! Kami naman magsasabi sayo na "OKAY LANG YAN MAY NAGAWA NAMAN SIYA SA BAHAY MO" Supporter ka naman ng magnanakaw kaya maiintindihan mo si manang."

"okay lang po yan. tapos naman na,mag move on nalang tayo. saka pano nyo po nasabing nagnakaw wala naman conviction from court? Di nyo alam mayaman na po si manang bago pa sya namasukan may goldbars po sila pamana ni aling marites. Ang Importante madami sya nagawa.hire nyo nalang po anak nya sa susunod kasi hindi naman kasalanan ng anak ang nagawa ng nanay. #ManangParinMgaUlol #BestMaidEver #RespectMyOpinion"

"Dapat kasi sa susunod nagba background check tayo. I hire niyo nalang yung anak ni Manang kung meron tutal ang kasalanan ng magulang ay hindi kasalanan ng anak. #RespectMyOpinion"

"Okay lang yan kung ninakawan ka nya, mukha namang may nagawa sya jan sa bahay nyo. Kaya dapat maging proud ka pa. Nakaw lang eh. Atleast may nagawa. Damot."

"Me katibayan ba kayong nagnakaw si Manang? Nasan court conviction? Bakit di nyo rin ibalita yung mga magandang nagawa ni Manang? Atleast kahit nagnakaw me nagawa naman, nakatulong naman at nagsilbi. Puro kayo paninira at puro negatibo. Solid Manang pa rin for 2022."

"Correction, hindi po yan ‘ninakaw’ ni manang, tinago lang po nya yan sa world bank. Alam kasi nyang mga magnanakaw ang mga susunod na magiging manang sa bahay nyo kaya nya ginawa yan. Pero pag anak ni manang ang pumalit sa kanya sa posisyon, ibabalik ng world bank yung mga tinago ni manang. Pramis. Kayo kc, sabi nang sabi na "magnanakaw” si manang e bakit di sya nakakulong? Puro kayo paninira!"

"Hindi naman magnanakaw si manang. Bata pa lang yan sila mayaman na talaga. May tallano gold yan sila napanood ko sa Tiktok. Saka walang SC conviction. Magaling yan si manang sabi ng lolo ko. Kaya wag niyo ibash si manang kasi wala naman kayo dun nung nangyari. #SolidManang2022"

"Maraming galit kay manang. Pero kung galit kayo, panindigan niyo galit niyo. 'Wag kayo dadaan sa pinagwalisan ni manang. 'Wag kayong kakain sa pinaghugasan na pingan ni manang. 'wag niyong susuotin mga nilabhan ni manang. 'Wag niyong kainin mga niluto ni manang. Kung galit kayo iboycot niyo lahat ng nagawa ni manang. Galit na galit kayo pero patuloy niyong pinapakinabangan mga nagawa ni manang. Di ba mga tol?"

"Wag po kayo lalakad sa sahig nyo sa sala, Sya po nag walis dyan. Wag nyo din susuutin yung mga damit nyo, sya naglaba and plantsa ng mga yan. Di bale ng magnanakaw, madami naman nagawa. Kesa naman sa ibang katulong dyan ninakawan ka na nga tamad pa."

"Okay lang na nag nakaw xa madami nmn xang ginawa sa bahay eh. At sana kapag nag apply Yung anak tanggapin pa dn nila, Kasi Ang kasalanan Ng Ina ay di kasalanan Ng anak. Just my opinion"

"Okay lang yan marami naman siyang nagawa. Kunin nyo nalang siya ulit katulong para ibalik nya ung mga ninakaw nya!!!"

"Bakit ba yung mali yung napapansin nalinis naman nya bahay mo ah #respect"

"Ok lang po yang manakawan kayo, marami naman siyang nagawa sa bahay nyo saka pamilya nyo"

"Move on na lang po. Past is past! Alalahanin niyo na lang mga mabuting nagawa niya sa pamilya niyo. Sana naman wag niyo idamay ang mga anak niya. Ang kasalanan ng ina ay hindi kasalanan ng anak."

"yung anak po i-hire niyo susunod. for sure, di niya gagawin yung ginawa ng magulang niya.☻"

"Ang importante po maraming nagawa yung maid niyo. Okay lang naman magnakaw basta may nagawa diba?"

"Maga-apply daw po yung anak niya. Ang kasalanan ng magulang ay di naman daw kasalanan ng anak."

"Move on na po, marami naman siyang nagawa sa bahay niyo. Lagi pong tumingin sa mga nagawa niyang magaganda. Opinion ko ‘to, at ayos lang po talaga magnakaw, at least maraming nagawa. (2022)"

"Galit lang naman kayo sa magnanakaw kapag kayo na ang apektado pero dedma kapag sa iba nangyari heck sa buong sambayanan. I-hire mo yung anak, baka ibalik yung alahas mo."

Sa latest post ng DOTr Asec. noong Linggo, Enero 9, nagpasalamat ito sa mga naki-simpatya sa kanya at sa kanyang anak. Ipinost niya umano ang kanyang naging karanasan upang magbigay ng babala sa ibang tao na naghahanap din ng kasambahay.

"Sa lahat po ng naki-simpatya sa nangyari sa amin ng anak ko, maraming salamat. It could have been worse, but I am thankful that my daughter is safe, at wala pong nasaktan, by God’s grace," aniya.

"I posted my experience to serve as a warning to other people. Kahit galing pa sa agency ang helper, ipa-background check ninyo ng maigi," dagdag pa niya.

Samantala, tila nagbigay ng babala si Libiran sa mga nag-komento nang negatibo tungkol sa kanya. Aniya, "mag-hello" ang mga ito sa Cyber libel.

"Sa lahat ng natuwa pa at hinaluan ng pulitika ang nangyari sa akin, I wish you all well. Nawa’y hindi mangyari sa inyo ang nangyari sa akin," ani Libiran.

"Sa lahat naman po ng nag-komento at nagsabing nagnakaw ako sa kaban ng bayan, manginig kayo. Huwag ninyo akong igaya sainyo. Mag-hello na rin kayo sa Cyber libel," dagdag pa niya.