Nilinaw nitong Lunes, Enero 10, ng Las Piñas City Health Office (LPCHO) na hindi sila nagsasagawa ng contactless swabbing taliwas sa kumakalat na balita ukol dito.

"Ang LPCHO ay wala pong isinasagawang contactless swabbing," ayon sa inilabas na mahalagang pabatid ng Las Piñas City government.

Agad nanawagan ang lokal na pamahalaan sa publiko na huwag maniwala sa kumalat na fake news.

Pinapaalalahanan ang mga mamamayan nito na maging alerto at mapagmatyag sa mga nababasang impormasyon sa social media.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Binigyang-diin ng Las Piñas LGU na patuloy pa rin ang handog na libreng COVID-19 Test na isinasagawa ng LPCHO sa lungsod.

Ang mga nais na magpaswab test ay maaaring magpa-schedule sa hotline numbers na 09271400492 at 09271400498 mula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Para sa request na pagkuha ng resulta ng swab test mangyari lamang na tumawag sa 09564029964 at 09614260564 mula Lunes hanggang Sabado, sa mga oras na 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Ipadadala sa email address ng pasyente ang opisyal na resulta ng RT-PCR test matapos maberipika ang pagkakakilanlan ng nagrerequest nito.

Samantala ang Antigen Test result naman ay ibinibigay sa mismong pasyente matapos ang interpretasyon sa loob ng 30 minuto.

Muling pinag-iingat ng lokal na pamahalaan ang mga mamamayan nito at manatiling sumunod sa health at safety protocols upang makaiwas sa nakakahawang mga sakit dulot ng COVID-19.

|

Bella Gamotea