Binatikos ng mga netizen ang dating ABS-CBN news anchor at broadcast journalist na si Korina Sanchez dahil sa kaniyang latest Instagram post na insensitive daw, lalo na sa mga taong tinamaan ng COVID-19 o mga miyembro ng pamilya nila at mahal sa buhay na nagkaroon nito.

Ayon sa una niyang Instagram post na binura niya at naedit na, mababasang tila nagpapasalamat siya dahil sa kabila ng lahat daw ay nagka-COVID na, siya raw ay hindi pa kahit kung saan-saan siya nagpupunta para sa kaniyang magazine show na 'Rated Korina.' Pinasalamatan niya ang Panginoon dahil patuloy siyang pinagpapala dahil marami umano siyang natulungan.

"IMAGINE. Lahat nagka covid na. Ako never pa. And I'm ALL OVER. Thank you, Lord. Sadya akong pinagpala kase dami ko tinutulungan?" ayon sa original caption ng kaniyang edited IG post.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Screengrab mula sa IG/Korina Sanchez

Marami naman sa mga netizen ang nakapag-screengrab nito at inupload sa social media. Agad siyang 'sinunog' ng mga netizen na hindi nagustuhan ang kaniyang nai-post.

"Korina Sanchez is clearly implying that the quantity of assistance you provide to others is the greatest way to prevent COVID-19. She failed to recognize that there are 'isang kahig, isang tuka' people who became infected with COVID-19 and whose family members died as a result."

"Yung mga namatay daw sa COVID hindi pinagpala. Ang lala ng utak ng babaeng 'to."

"Di man lang nahiya sa mga tinamaan ng Covid and lost their loved ones. Di ka tinamaan sana shut up na lang and be thankful silently hindi yung kung ano-ano pa pinopost mo. Insensitive."

"Dear DELTA and OMICRON, may naghahamon po. Pakibisita para mabawasan ang yabang."

"Congratulations po for being covid free kasi madami po kayo natutulungan."

"Anong feeling na favorite ka ni Lord? Insensitive."

"Congrats madam! Dami n'yo natutulungan kaya pala di kayo nagkakacovid. Ganun na din gagawin namin.. Noted po 'yan."

"Deleted and reposted na pinaganda eh di wow ngayon ang dating. How insensitive, uncalled and self-declared post yesterday. Readers hated you for that esp. those who have suffered and lost their loved ones as seen in their comments. Damage done and post linked."

Samantala, may mga nagtanggol naman din kay Korina na maaaring ang nais lamang sabihin ng news anchor ay nagpapasalamat ito sa Diyos na hindi pa siya natatamaan ng virus kahit na kung saan-saan siya nagsususuot dahil sa trabaho niya.

"Deleted na yung post meaning aminado nagkamali. Hindi puwede magkamali? wala naman perpektong tao."

"Misunderstood woman with beautiful kids, keep going Miss K, got your back."

"Good you deleted your previous post."

"We miss you Miss K! Hope to see you soon with your twins."

"No matter what they say mas marami pa rin kayong ambag."

Matapos umani ng batikos mula sa burado at kontrobersyal na IG post ay muli niya itong ibinalik ngunit mas maayos at edited na ang caption.

"Thank you Lord. So many sick and infected. I've never been positive—- even as I'm all over for work I have to do. Frontliner pa ako ngayon sa house help and driver ko. Help me help others through this pandemic. Kaya natin ito."

Screengrab mula sa IG/Korina Sanchez

Game din niyang sinasagot ang mga netizen na patuloy na bumabatikos sa kaniya. Aniya, isang 'miscalculation of words' lamang ang nagawa niya kaya agad niyang inedit ang IG post niya.

"Miscalculation of words in caption. This is what I meant," aniya sa isang netizen sa comment section.

Screengrab mula sa IG/Korina Sanchez

Sa mga nagpapatutsada naman sa kaniya na tumulong na lamang para hindi magka-COVID-19, ang tugon niya ay "Oo tumulong ka. At magsuot ng mask."

Tugon naman niya sa mga nagsasabing 'pinagpala' siya kaya wala siyang COVID-19, "Ay totoo 'yan. Pinagpapala ang mga di tulad mo na negatroll."

Screengrab mula sa IG/Korina Sanchez