Lilimitahan ng Navotas City Hospital (NCH) ang mga serbisyo nito matapos masuri ang ilang kawani ng ospital na positibo sa coronavirus disease (COVID-19).

“Dahil apektado po ng COVID-19 ang ilan sa ating mga kawani sa Navotas City Hall, mas malilimitahan po ang mga serbisyong maaari nitong maihandog sa ngayon,” sabi ng city government nitong Lunes, Enero 10.

Anunsyo ng Navotas City Government

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang mga sumusunod na serbisyo ay magiging limitado sa NCH:

– Elective na operasyon o mga operasyon na naplano nang maaga.

-Walang normal o cesarean delivery ang tatanggapin, maaaring i-refer ang maternity sa Tanza Lying-in o sa One Hospital Command.

-Limitado ang pagpasok, at uunahin ang mga pasyente ng internal medicine.

Sinabi rin nito na ang mga serbisyo ng laboratoryo at X-ray ay limitado sa Emergency Room at mga pasyenteng na-admit lamang.

Available ang telemedicine para sa outpatient department.

Alyssa Nievera