Maaaring makompromiso ang sensitibong impormasyonng mga botante matapos ma-hack ng isang grupo ng mga hackers ang servers ng Commission on Elections (Comelec), at nagdownload ng mahigit 60 gigabytes na data na posibleng makaapekto sa halalan sa Mayo 2022.
Nadiskubre ito ng Manila Bulletin (MB) Technews team, napag-alaman na nagawangma-hack ng grupo ng mga hackers ang sistema ng Comelec noong Sabado, Enero 8, 2022, at nagdownload ng mga file na kasama ang mga username at PIN ng vote-counting machines (VCM).
Agad na ipinagbigayalam ng MB Technews team kay Comelec Spokesperson James Jimenez ang mga natuklasan nito. Sinabi ni Jimenez, ipaaabot niya ang impormasyon sa Comelec Steering Committee.
Sa isang tawag sa MB Technews nitong Lunes, Enero 10, 2022, sinabi ni Jimenez na hindi pa siya nakakakuha ng tugon mula sa Comelec Steering Committee.
Ang iba pang nadownload na filesay ang network diagrams, IP addresses, listahan ng mga privileged users, domain admin credentials, listahan ng mga passwords at domain policies, access sa ballot handling dashboard, at QRcode captures ng bureau of canvassers na may kasamang login at password.
“Sensitive data downloaded also included list of overseas absentee voters, location of all voting precincts with details of board of canvassers, all configuration list of the database, and list of all user accounts of Comelec personnel,” ayon sa MB Technews.
Nakipag-ugnayan ang isang source sa MB Technews noong Sabado, Enero 8, para magbigay ng impormasyon na mayroong nangyayaring hacking sa Comelec servers.
Agad na bineripikang MB Technews ang impormasyong ito, at nalaman na mayroong naghahack sa mga servers. Lumalabas sa karagdagang imbestigasyon na malawak ang naturang hacking dahil nanakaw ng mga hackers ang mga impormasyon ng Comelec.
MB Technews