BAGUIO CITY - Ipinahayag ni Lone Rep. Mark Go na dinapuan din siya ng coronavirus disease (COVID-19), kasama ang kanyang asawa, nitong Linggo, Enero 9.

Sa kanyang post sa social media, nanawagan ang kongresista sa kanyang nakasalamuha sa mga nakalipas na araw na mag-self quarantine, i-monitor ang sarili at agad na magpa-konsulta kapag nakaramdam ng sintomas.

Isinasagawa na ang contract tracing upang masigurado na maabisuhan ang mga nakasalamuha ng mag-asawa.

"Ginawa ko ang announcement na ito at ng aking asawa na si Sol upang ipaalam na kami ay may mild symptoms lamang at umaasa na makarerekober agad sa tulong ng Poong Maykapal," anang mambabatas.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Sinisiguro rin ni Go na sa kabila ng kanyang sitwasyon ay patuloy ang serbisyo na isasagawa ng kanyang mga tauhan upang mapagsilbihan ang mga constituents nito.

Nitong Linggo, naitala ng lungsod ang 310 bagong kaso ng sakit kaya umabot sa 30,993 ang kabuuang kaso nito sa lugar.

Zaldy Comanda