Ang amihan o ang "northeast moonsoon" ay patuloy na magdadala ng malamig at maulap na panahon sa hilagang Luzon sa susunod na 24 na oras, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes, Enero 10.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin at pulu-pulong mahinang mga pag-ulan ang inaasahan sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Batanes, Cagayan, Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya.
Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin at pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa easterlies, o mainit na hangin na nagmumula sa Pacific Ocean.
Nagbabala ang PAGASA sa publiko na ang pagkakaroon ng matitinding thunderstorm ay maaaring magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa.
Sinabi ng weather specialist na si Grace Castañeda na hindi pa nababantayan ng PAGASA ang isang low pressure area sa loob ng Philippine area of responsibility simula nitong Lunes.
Dagdag pa rito, walang gale warning sa mga seaboard ng bansa.
Ang katamtaman hanggang sa maalon na karagatan ay maaaring mangibabaw sa hilagang at kanlurang Luzon, habang ang bahagya hanggang sa katamtamang pag-alon ay maaaring manatili sa natitirang bahagi ng bansa.
Dahil dito, ligtas ang paglalakbay sa dagat kahit para sa mga mangingisda at iba pang may maliliit na sasakyang pandagat, sabi ng PAGASA.
Ellalyn De Vera-Ruiz