Nakapagtala ang pamahalaang Lungsod ng Navotas ng kabuuang 998 na aktibong kaso noong Linggo, Ene.9, na higit sa tatlong beses na mas mataas kumpara sa 300 kaso na naitaya noong Jan.1.

Sinabi ng lokal na pamahalaan na 149 na bagong kaso ang naitala noong Enero 9, 107 dito ay mula sa Baranggay San Jose habang 10 kaso ang naitala sa Brgy. Bagumbayan South.

Ang Navotas City ay mayroon na ngayong 18,760 kabuuang kaso ng COVID-19 na may 17,192 (92 porsiyento) na nakarekober at 570 ang namatay.

“Bawat isa sa atin ay may maiaambag para mapababa ito sa pamamagitan ng pag-iingat, pagsagawa ng safety at health protocols, at pagpababakuna,” ani Navotas Mayor Toby Tiangco sa isang Facebook post nitong Lunes, Enero 10.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Larawan mula Mayor Toby Tiangco via Facebook

“Mag-ingat at magkaisa po tayo na pababain ang active cases para di na mapilitan ang pamahalaang nasyonal na magtaas pa ng alert level,” dagdag niya.

Aaron Homer Dioquino