Nakapagtala ang Bulacan Provincial Health Office (PHO) ng kabuuang 2,515 COVID-19 active cases matapos ang dagdag na 667 bagong kaso nitong Linggo, Enero 9.

Ayon sa PHO, ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Bulacan ay umabot na sa 94,505 kung saan 90,504 na ang naiulat na nakarekober.

Walang naiulat na bagong pagkamatay sa lalawigan kaya't nananatiling 1,486 pa rin ang COVID-19 death toll sa ngayon.

Nakapagtala ang PHO ng kabuuang 722 bagong laboratory results.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Pinaalalahanan ni Gov. Daniel R. Fernando ang mga Bulakenyo na magsagawa ng karagdagang pag-iingat at mahigpit na sundin ang mga minimum health protocol upang maiwasan ang mga panganib na dulot ng bagong variant ng COVID-19.

Freddie Velez