Magpapatupad ng pitong sentimo kada kilowatt hour (kWh) na bawas sa singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong Enero.

Ito’y matapos ang siyam na buwang sunud-sunod na pagtataas ng singil sa kuryente ng nasabing kumpanya.

Sa abiso ng Meralco, ang₱0.07 kada kWh na tapyas sa January 2022 billing ay dahil sa mas mababang generation charge kasunod na rin ng mas mababang halaga ng Power Supply Agreements (PSAs) at Independent Power Producers (IPPs).

Dahil naman sa bawas-singil, ay magiging₱9.7027 na lamang kada kWh ang electricity rate mula sa dating₱9.7773 kada kWh noong Disyembre 2021.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Mary Ann Santiago