Sa kabila ng pagtanggi ng gobyerno na may kakulangan sa gamot sa bansa, hinikayat ito ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo nitong Linggo, Enero 9, na makipag-ugnayan sa mga pharmaceutical company at mga botika upang matiyak na may akses sa mga basic over-the-counter na mga gamot ang mga Pilipino.

Ito ang kanyang pahayag sa gitna ng pagtanggi ng Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) na may kakulangan ng paracetamol sa mga primaryang drugstore sa buong bansa.

Inireklamo ng mga Pinoy sa social media ang mahabang pila sa mga botika, gayundin ang kakulangan ng paracetamol at iba pang pangunahing gamot para sa trangkaso. May ilang bumiyahe mula sa mga probinsya hanggang Metro Manila para pumila ng ilang oras sa mga botika.

Sinabi ni Robredo sa kanyang lingguhang radio show sa dzXL na ang pagtiyak na ang suplay ng paracetamols sa mga botika ay "basic."

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“Dapat tinutukan na ito ng pamahalaan,” ani Vice President.

“Dapat ‘yung pamahalaan nakikipag-ugnayan na sa mga pharmacies, sa mga drugstore owners, mga drug companies kung papa’no mape-prevent itong pagkukulang na ‘to,” dagdag niya.

Ipinagkibit-balikat ng presidential aspirant ang pahayag DOH na walang ganoong kakulangan, at sinabi na ang mga insidente ng kakulangan ay "experiential."

“Ang tanong ko lang: bakit nangyayari ito sa atin,” sabi ni Robredo.

Nauna nang nangako ang mga pharmaceutical companies na magre-restock ng paracetamol at iba pang pangunahing gamot sa mga botika.

Raymund Antonio