Pinuna ng aspiring President na si Vice President Leni Robredo ang gobyerno dahil sa kawalan nito ng inisyatiba sa pagpapanagot sa mga nasa likod ng pekeng balita.
Ipinahayag ni Robredo ang kanyang pagkabahala sa isang panayam sa radyo nitong Linggo, Enero 9, sa aksyon ng gobyerno laban sa paglaganap ng fake news sa gitna ng umiiral na pambansang krisis sa kalusugan, kung saan idiin niyang ang pagkakalat ng pekeng balita sa bansa ay patuloy na umuunlad dahil sa kawalan ng inisyatiba upang panagutin ang mga peddler nito.
Sinabi ng Bise Presidente na marami na siyang ginawang reklamo sa pamamagitan ng isang ahensya ng gobyerno na tumanggi siyang ibunyag ngunit "walang aksyon na ginawa."
“Meron na kaming nireklamo before. Hindi ko na sasabihin kung saang ahensya kami nagreklamo, hanggang ngayon wala pa. Wala pang aksyon,” ani Robredo.
“Kung hindi ito aaksyunan talagang walang mangyayari. Ito na yung ang magpapatakbo ng– ang magpapatakbo ng– parang society natin, kasinungalingan. Kasi yung nagsisinungaling nga hindi naman napu-put to– parang hindi naho–hold into account, hindi napaparusahan,” dagdag ni Robredo.
Sinabi pa ng naghahangad na pangulo na ang magagawa lang nila ay ang pag-uulat at pagwawasto ng fake news.
“Kami ginagawa namin yung kailangan gawin, yung nag-rereport kami, wala talaga eh. Walang aksyon, Ka Ely. Walang aksyon,” sabi ng presidential aspirant.
“Marami na kaming– marami nang pagkakataon na nagreklamo tayo. Nakikita natin, Ka Ely, yung effect ng pag pinabayaan yung fake news talagang yung mindset ng mga tao, yung mga paniniwala ng mga tao napapaglaruan and nakikita natin yun ngayon,” dagdag niya.
Sinabi pa ng opposition leader na wala siyang nakitang anumang inisyatiba mula sa gobyerno upang gawin ang kanilang bahagi sa pagtigil sa paglaganap ng fake news, na, ayon sa kanya, ay "wala sa kanilang kontrol."
“Parang wala naman. At least wala akong nakikitang ganoong initiative,” aniya.
Binanggit ni Robredo ang fake news na kumalat sa pagpapatupad ng martial law at lockdown sa gitna ng pagdami ng mga bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19), na “lumilikha lamang ng panic sa publiko,” na nag-udyok sa kanila na mag-imbak ng mga produkto at gamot.
Sinabi niya na ang maling impormasyon na tulad nito ay lalago dahil "hindi napapanagot ang mga tagapaghatid ng pekeng balita."
Betheena Unite