Umabot na sa 28,707 ang bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas nitong Linggo, Enero 9.

Paliwanag ngDepartment of Health (DOH), ito na ang pinakamataas na naitalang bilang ng kaso ng COVID-19 sa araw-araw nilang pagsubaybay sa sitwasyon.

Sa ngayon, nasa 2,965,447 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa naturang bilang, 4.3% pa o 128,114 ang aktibong kaso o nagpapagaling sa karamdaman.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Sa mga aktibong kaso, 119,276 ang mild cases; 4,213 ang asymptomatic; 2,851 ang moderate cases; 1,465 ang severe cases; at 309 ang kritikal.

Naitala rin ng DOH ng 2,579 bagong gumaling sa sakit kaya umabot na sa 2,785,183 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 93.9% ng total cases.

Nasa 15 lamang naman ang naiulat na namatay sa karamdaman nitong Linggo, kabilang ang 11 na binawian ng buhay nitong Enero 2022.

Sa kabuuan, 52,150 na ang COVID-19 deaths o 1.76% ng kabuuang kaso.

Mary Ann Santiago