Kinakiligan ng mga tagahanga ni Ultimate Heartthrob Piolo Pascual ang kaniyang pagbabalik sa musical variety show na 'ASAP Natin 'To', nitong Enero 9, 2022, kung saan isa siya sa mga hosts nito.

Matatandaang noong 2020, pansamantalang umalis si Piolo sa ASAP at ABS-CBN upang gawin ang 'Sunday Noontime Live' o SNL kasama sina Maja Salvador, Jake Ejercito, Donny Pangilinan, at Maja Salvador, kasama si Johnny Manahan sa ilalim ng Brightlight Productions, na nakatapat naman ng ASAP sa TV5. Ngunit hindi rin nagtagal at natsugi ito.

Kasama ng mga OPM icons at hosts ng ASAP na sina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, at Regine Velasquez-Alcasid ay muli nilang winelcome ang Ultimate Heartthrob sa segment na 'The Greatest Showdown.' Kilig na kilig naman ang mga tagahanga ng 'Piogene' o tambalan nila ni Regine noon sa pelikulang 'Paano Kita Iibigin' noong 2007, nang muli silang mag-duet at awitin ang theme song nito.

Espesyal na araw din ito para kay Papa Pi dahil kaarawan niya. Wish niya, sana raw ay unti-unti nang bumalik sa normal ang lahat upang tuloy-tuloy ang trabaho at mga proyekto.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Speaking of trabaho, dalawang proyekto ang nakatakdang gawin ni Piolo sa Kapamilya Network. Una na rito ang Pinoy adaptation ng Korean series na 'Flower of Evil' katambal ang bagong Kapamilyang si Lovi Poe.

Bukod doon, isang romantic-comedy series umano ang gagawin niya katambal si Angelica Panganiban, na may titulong 'My Papa Pi' sa direksyon ni box-office movie director Cathy Garcia-Molina.

Muling bumalik at pumirma ng kontrata si Papa Pi sa Kapamilya Network, sa kabila ng mga bulung-bulungan na llipat na siya sa ibang network dahil nga nabakante siya ng ilang buwan.