Pumalo na sa 50% ang positivity rate sa National Capital Region (NCR) at inaasahang patuloy pa itong tataas.

Ito ay batay sa ulat ng OCTA Research Group na ipinaskil ni Dr. Guido David sa kanyang Twitter account nitong Sabado ng gabi.

Ayon kay David, hindi pa rin bumabagal ang positivity rate ng COVID-19 sa NCR at hanggang noong Enero 6 ay umakyat na ito sa 50%.

Inaasahan naman aniyang higit pa itong tataas sa mga susunod na araw at posibleng lumampas na aniya sa 50% sa Enero 7.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi pa ni David na hindi lamang sa NCR, Calabarzon at Central Luzon tumataas ang mga bagong kaso ng COVID-19, kundi maging sa iba pang bahagi ng bansa.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsiyento ng mga taong nagpopositibo sa sakit, mula sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na nasuri laban sa virus.

“The positivity rate in the NCR increased to 50% as of January 6, 2022.The growth in positivity rate has not slowed down yet, and looks like to increase to over 50% by January 7,” tweet pa ni David.

“While cases continue to climb in the NCR, Calabarzon and Central Luzon, cases are also starting to increase in many other parts of the country. Stay safe everyone,” aniya pa.

Mary Ann Santiago