Inanunsyo ng Muntinlupa City Health Office (CHO) na hindi papayagan ang walk-in sa mga vaccination sites simula Enero 10 hanggang 12 dahil sa three-day inoculation ng mga menor de edad.

Isasagawa ng Department of Health (DOH) ang pagbabakuna sa mga kabataang may edad 12 hanggang 17 sa Enero 10 hanggang 12.

Ayon kay Dr. Juancho Bunyi, CHO Head, kumaunti ang medical workforce ng Muntinlupa City government matapos ma-expose at magpositibo sa COVID-19 ang ilan sa mga ito.

Nakamit na ng Ospital ng Muntinlupa (OsMun) ang 100% full bed capacity  nitong Enero 9. Marami rin sa mga empleyado ng ospital ang nagpositibo sa COVID-19.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Nakapagtala ang Muntinlupa ng bagong 363 na kaso kaya't umabot sa 1,293 ang aktibong kaso. Nakapagtala rin ng 27,079 na recoveries, at 581 deaths.

Sa gitna ng banta ng mas nakahahawang Omicron variant, hinimik ng Muntinlupa City government ang publiko na sumunod sa minimum public health standards katulad ng pagsusuot ng face mask sa labas ng bahay, obserbahan ang physical distancing, at maghugas ng kamay.

Jonathan Hicap