Patuloy ang pagsasagawa ng mass vaccination, partikular na sa mga pediatric population sa mga edad na 12-17 sa Caloocan City.

Sa pahayag ni Mayor Oscar Malapitan, bukas kahit araw ng Linggo ang mga vaccination site sa lungsod, residente man o hindi, kasama ang mga 18 anyos pataas.

Para naman sa mga menor-de-edad kailangan na kasama ang kanilang mga magulang o guardian, bago sila bakunahan.

Para naman sa mga gustong magpabakuna ng booster shot, kailangang fully vaccinated na ang mga ito at tatlong buwan na ang nakalipas, bago ito turukan ng booster vaccine.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Biglang dumagsa ang mga gustong magpa-bakuna sa mga vaccination site sa Caloocan City, makaraang lagdaan ni Mayor Malapitan ang ordinansa na ikukulong ng pito hanggang 15 araw at pagmumultahin ng P5,000 ang mga unvaccinated na maglalakwatsa lang sa lansangan.

Magugunita na iniutos ni Pangulong Duterte sa mga Barangay Chairman na arestuhin ang mga hindi bakunado na lalabas ng bahay kung hindi naman kailangan.

Pagbibigyan o hindi huhulihin ang mga unvaccinated na lalabas ng bahay kung sila ay bibili ng gamot, pagkain at mga essential services.

Orly L. Barcala