Mananatiling sarado ang headquarters ni Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Mandaluyong City matapos umakyat sa 68 ang bilang ng mga tauhan nito na nagpositibo sa COVID-19.
Sa inisyal na ulat, 30 kawani lamang ang lumabas na positibong resulta sa isang antigen test noong Lunes.
Ang patuloy na pagsasara sa HQ ng presidential aspirant ay napagpasyahan kasunod ng komprehensibong reverse transcription polymerase chain reaction o RT-PCR test na sa wakas ay isinagawa noong Biyernes.
Habang pinauwi ang ilang empleyado, sinabi ng kampo ni Marcos Jr. na magpapatuloy ang tulong sa mga naapektuhan ng kamakailang Bagyong "Odette."
“This (distribution of relief goods) cannot stop because the typhoon victims needed it badly and we have to keep our promise to help them get back on their feet,” sabi ni UniTeam political officer at dating Davao 2nd District Rep. Anton Lagdameo.
“Bongbong was saddened by the unwelcome developments, but advised everyone to stay focused and let not their spirits be dampened because right now our major concern is still our fellowmen who were affected by typhoon Odette and by the new surge of coronavirus,” dagdag niya.
Joseph Pedrajas