Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga debotong Katoliko na patuloy na iparamdam ang kanilang pananalig sa pamamagitan ng panalangin para sa ating bansa sa kabila ng pagpakansela sa kinaugaliang taunang prusisyon ng Itim na Nazareno bunsod ng pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Ito ang naging reaksyon ng Pangulo kasabay na rin ng pagpapahalaga ng mga deboto sa Pista ng Itim na Nazareno nitong Linggo, Enero 9.

“This venerated religious tradition, which commemorates the transfer of the image of Jesus Christ from its original place in Intramuros to its current shrine in Quiapo, is also a precious time for every devotee to understand the value of suffering and its saving grace,” anang Pangulo.

Naniniwala rin ang Pangulo na kahit hindi nagawang makibahagi sa taunangTraslacionang milyun-milyong deboto ay maaari pa rin nilang ipakita ang pananalig sa pamamagitan ng pagdarasal para sa Pilipinas.

National

65% ng mga Pinoy, umaasang magiging masaya ang Pasko

“Although we may not be able to take part in the usual Traslacion activities that have marked the celebration for centuries, let us keep on demonstrating our faith by praying for our country’s recovery and for humanity’s complete healing, especially from the ill effects of the COVID-19 pandemic. Faith is the conviction of things that we hope for, even if unseen,” pahayag pa ni Duterte.

Nitong Enero 4, humingi ng paumanhin ng mga Katoliko si Duterte matapos suspindihin ngNational Task Force ang taunang Traslacion upang maiwasan ang tinatawag na "super spreader" events kung saan milyun-milyong deboto ang dadagsasa Maynila upang makibahagi sa prusisyon.

“I apologize in advance and I beg your full understanding of what we have discussed,” sabi pa ng Pangulo.