Kasalukuyang nasa evacuation centers ang mahigit 196,000 na indibidwal o mahigit 50,700 na pamilya na naapektuhan ng bagyong Odette, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

(DSWD-DROMIC)

Sinabi ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC) ng DSWD, noong Enero 8, nakapagtala sila ng 50,757 evacuee-families. Ipinapakita nito ang 196,434 na indibidwal na pansamantalang sumilong sa 1,108 evacuation centers kasunod ng pananalasa ni "Odette" sa 10 rehiyon.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Samantala, 12,838 na pamilya o 43,925 na indibidwal ang piniling manatili sa kanilang mga kaanak o kaibigan.

Ayon sa ulat ng DROMIC, 2,200,896 na pamilya o 7,704,571 na indibidwal mula sa 8,487 na barangay ang naapektuhan ng bagyo.

Ang 10 rehiyon na naapektuhan ay Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan), Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen (South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, General Santos), at Caraga.

Base sa DROMIC report, 1,230,901 na bahay ang nasira. Sa naturang bilang, 891,626 ang partially damaged at 339,275 ang totally damaged. Mahigit P517.13-milyong halaga ng humanitarian assistance ang ipinaabot sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Odette.

Ang assistance na ibinigay sa mga apektadong pamilya ay nasa kabuuang P517,135.597.36.

Ang aid ay ibinigay ng DSWD, local government units (LGUs), non-government organizations (NGOs) at iba pang mga partners.

Charissa Atienza