STA. ANA, Cagayan - Isang pinaghihinalaang nagsu-supply ng mga huwad na sigarilyo sa nasabing bayan ang inaresto ng mga awtoridad sa Barangay Centro kamakailan. 

Nakakulong na ang suspek na kilala ng pulisya na siLyle Ariane Quirolgico, 30, at taga-Pitimini St., Garden Village, Sta Maria, Bulacan.

Nakorner si Quirolgico matapos isumbong ng isang concerned citizen kaugnay ng pag-aalok nito ng iba't ibang brand ng pekeng sigarilyo.

Nasamsam sa suspek ang isang ream ng pekeng brand ng sigarilyo bukod pa ang pitong ream na nasamsam naman sa tindahan ninaRexon Ramos at Edna Agustines na pinagbentahan nito.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Kinumpirma naman ni Christ Vincent Pagurayan, illicit trade specialist ng kumpanyang Philip Morris, na pawang peke ang mga sigarilyong nasamsam sa suspek na nahaharap sa kasong paglabag saIntellectual Property Rights o Republic Act 8293, ayon naman sa PoliceRegional Office 2.

Liezle Basa Iñigo