Hindi isasapubliko ng Department of Health (DOH) ang resulta ng isinagawang genome sequencing sa sample ng isang returning overseas Filipino (ROF) na tumakas sa kanyang quarantine sa isang hotel upang dumalo sa isang party sa Makati City, gayunman, nagpositibo sa COVID-19 makalipas ng ilang araw at nakahawa pa ng ilang katao.

Sa isang pahayag, kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nakuha na nila ang resulta ng isinagawang genome sequencing sa naturang quarantine violator noong Huwebes, gayunman, biniberipika pa aniya nila ito.

Hindi aniya nila maaaring isapubliko ang naturang impormasyon dahil paglabag ito sa mga probisyon ng Data Privacy Act.

“The genome sequencing result came in yesterday (Huwebes) but is still being verified. As per RA 11332 and the Data Privacy Act,” ani Vergeire, sa isang pahayag nitong Biyernes.

Eleksyon

Philip Salvador, masayang number 1 sa boto 'beshy' na si Sen. Bong Go

“Information like this may not be disclosed to protect the citizen,” aniya pa.

Inihayag pa ni Vergeire na sa ngayon, dalawa pa lamang naman sa 15 party contacts ng quarantine violator na si Gwyneth Anne Chua ang mayroong definitive data.

“Ongoing tracing and investigations are still underway. Active case finding and referral for whole genome sequencing are set to areas involved,” pahayag pa nito.

“In addition, the imposition of granular lockdowns for barangays and areas with case spikes are being recommended,"sabi pa ni Vergeire.

Mary Ann Santiago