Magpapatupad ng two-day health break ang Philippine Women's University (PWU) simula Lunes, Enero 10.

“In light of the alarming number of members of the PWU Community — faculty, non-teaching personnel, and students or their family members — who have either tested positive for COVID-19 or are displaying symptoms, we are declaring a university health break from January 10 to 12, 2022,” ani PWU President Marco Alfredo Benitez.

Sa naturang health break, ang synchronous at asynchronous classes, maging ang pagsusumite ng mga requirements at office work sa lahat ng PWU campuses ay suspendido rin upang makapagpahinga at makarekober ang komunidad.

Hinikayat din ni Benitez ang kanilang miyembro na nakararanas ng sintomas o nagkaroon ng contact sa isang taong nagpositibo, ipaalam agad sa University Medical Science Diagnostic (MSDC).

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“We would also like to remind everyone to get vaccinated; and for those 3 months from their second dose, to get boosted, to protect ourselves and our loved ones,” aniya.

“We continue to pray for the health and safety of our every member of the PWU Community," dagdag pa niya.

Gabriela Baron