Ipinatutupad na sa Isabela ang 'no vaccine, no entry' policy sa mga pampubliko at pribadong establisimyento bilang paghahanda sa posibleng pagpasok sa lalawigan ng Omicron variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ang hakbang na nakapaloob sa Executive Order No. 1 na inilabas ni Isabela Governor Rodolfo Albano III, ay sinimulang ipatupad nitongBiyernes, Enero 7.
Dahil dito, nanawagan ang pamahalaang panlalawigan sa publiko na ipakita ang kanilang vaccination card upang payagan silang pumasok sa nasabing mga establisimyento.
Inaatasang magpatupad ng direktiba ng gobernador ang Isabela Police Provincial Office, Department of Trade and Industry, Department of Interior and Local Government (DILG), Isabela Provincial Health Office, Provincial Public Safety Office at iba pang member-agencies ng Provincial COVID-19 Task Force, lahat ng City at Municipal Mayors sa pamamagitan ng kanilang Business Licensing Departments/Offices at local task force.
Liezle Basa Iñigo