Nasa 250 healthcare workers mula sa Philippine General Hospital (PGH) ang kasalukuyang infected ng coronavirus disease (COVID-19), sinabi ng tagapagsalita ng ospital na si Dr. Jonas del Rosario noong Sabado, Ene. 8.

“Marami po sa aming healthcare workers ang nagkaka-COVID. Twenty-five percent po sa aming workforce ngayon ay may COVID. Napakalaki pong bilang yun lalo na sa key areas, napipilay kami,” ani Del Rosario sa isang public briefing.

“Marami rin pong nagku-quarantine. Kailangang i-quarantine dahil na-expose sila. So as much as about 40 percent po ang aming workforce ang affected. Either infected or na-expose,” aniya pa.

Idinagdag ng tagapagsalita na hindi na nangangailangan ng quarantine ang PGH para sa mga asymptomatic health worker.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Kagaya po ng suggestion ng IATF [Inter-Agency Task Force], inadopt na namin na yung lahat po ng asymptomatic na na-expose hindi na po namin sila pinagku-quarantine, basta wala po silang symptoms, tuloy lang po ang trabaho,” sabi ni Del Rosario.

“Kasi hindi po namin kayang i-quarantine ang napakaraming empleyado, doktor, nurses, at mga support staff dahil wala na pong magseserbisyo sa ospital,” dagdag niya.

Gabriela Baron