"Parang gusto ko nang mag-face to face classes!"

"Sarap naman bumalik sa pag-aaral!"

"Nakaka-inspire naman mag-aral tuloy!"

Iyan ang karamihan sa naging reaksyon at komento ng mga netizen sa Facebook post ni Jomarl Santos Pabalan, 22 anyos, mula sa Mabalacat, Pampanga. May caption kasi itong 'Ready na ba kayo sa face to face classes?' at ang mga kalakip na litrato ay para sa shooting ng kanilang face-to-face class simulation ng Camachiles National High School sa Pampanga.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

As of this writing ay umabot na sa 19K ang reactions, 5.5K comments, at 32K shares ang naturang FB post na nagpabihag sa puso ng mga netizen. Mukha raw kasing modelo ang naturang guro.

Screengrab mula sa FB/Jomarl Pabalan

May be an image of 1 person and standing
Larawan mula sa FB/Jomarl Pabalan

May be an image of 1 person and standing
Larawan mula sa FB/Jomarl Pabalan

May be an image of 1 person and standing
Larawan mula sa FB/Jomarl Pabalan

Ngunit sino ba ang modelong ito para sa face-to-face class simulation ng naturang pampublikong paaralan?

Batay sa panayam ng Balita Online, si Jomarl ay nag-aaral sa Mabalacat City College ng Bachelor of Secondary Education major in Physical Education o PE, at isa siyang student teacher o nagsasagawa ng internship.

Bukod umano sa pagiging mag-aaral sa Edukasyon upang maging guro sa hinaharap, isa rin siyang freelance model. Mahilig din umano siyang sumali sa mga male pageants, at talaga namang title holder na rin siya.

"Ang trabaho ko po ay Freelance Model at mahilig po akong sumali sa mga male pageants at ito ang aking mga titulong nasungkit: Mr. Sapang Biabas 2017 GrandWinner, Mr. Mabalacat City 2018 2nd Prince, Mr. ALCU NATIONAL 2019 4th Runner Up (Association of Local Colleges and University), at Mr. Pampanga 2019 - 1st Runner Up," aniya.

"At kasalukuyan po, ako ay isa sa mga nanalo sa Misters of Filipinas 2021 (Mr. Philippines) na ginanap noong October 31, 2021 sa Dauin Negros Oriental. Ako po ay hinirang bilang Misters of Filipinas - Ambassador."

Dahil dito, pinakiusapan umano siya ng kaniyang mga guro sa alma mater noong hayskul na kung puwede raw siyang maging modelo nila.

"Dati po akong nag aaral sa Camachiles National High School at malapit po ako sa mga teachers doon kaya doon din po ako humihiram ng libro na aking ginagamit sa akin online class bilang student teacher. Dahil malapit po ako sa kanila, kinausap ako ng head ng school and asked for my permission kung pwede akong mag-shoot para sa future implementation ng face-to-face class simulation nila. Nag-post po ako ng mga BTS na picture at hindi sinasadyang mag-trending ito," paliwanag pa niya.

Gayong siya ang modelo ng face-to-face class simulation ng kaniyang alma mater, ano naman ang palagay niya sa unti-unting pagbabalik face-to-face ng mga klase?

"Nang dahil sa sudden rise ulit ng COVID patients dahil sa Omicron, sa tingin ko, mas mabuti na munang ipagpaliban ulit ang face-to-face classes to provide a safe learning environment sa mga bata," saad niya.

May mensahe siya sa kaguruan na balang araw, sa kaniyang pagtatapos, ay makakasama na rin siyang sumabak sa hamon ng pagtuturo sa kabila ng pandemya.

"Alam ko lahat, ngayon nahihirapan pa rin sa adjustment sa online class, mga educators at mga students. Pero saludo ako sa inyo, especially sa mga guro, who keep their passion in teaching alive within them despite all the academic and personal challenges na kanilang natatamo. Maraming salamat sa patuloy ninyong pag-alalay at paggabay sa amin!"

At syempre, may mensahe rin siya sa mga kapwa mag-aaral na pinaka-apektado sa mode of teaching and learning sa panahon ng pandemya.

May be a closeup of 1 person and standing
Larawan mula sa FB/Jomarl Pabalan

May be an image of 1 person, standing, tree and sky
Larawan mula sa FB/Jomarl Pabalan

"At sa aking mga kapwa estudyante, lagi nawa tayong maging positibo at manatiling aktibo sa pagsalak ng mga aral at gamiting instrumento sa ating personal and professional development," paalala niya.