Hinimok ng Department of Agriculture (DA) ang mga mamimili sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3 na iwasan ang panic-buying habang tiniyak nilang may sapat na suplay ng pagkain ang bansa sa susunod na tatlong buwan.
Sa isang pahayag na inilabas noong Sabado, Enero 8., sinabi ni DA Secretary William Dar na ang pag-iimbak ng mga suplay ng pagkain ay magdudulot ng artipisyal na kakulangan at magreresulta pa sa pagtaas ng presyo.
Para sa bigas lamang, sinabi ng Philippine Integrated Rice Program ng DA na ang supply sa buong bansa ay tatagal ng 115 araw — sa tamang panahon para sa susunod na ani sa Abril.
“Our inventory for basic food commodities, particularly rice, shows that we have more than enough supply that will last for more than the next three months,” ani Dar.
“This also applies to lowland and highland vegetables, both at 85 percent and 107 percent sufficiency levels,” dagdag niya.
Hinikayat din ni Dar ang mga local government units (LGUs) na panatilihin ang tuluy-tuloy na daloy ng pagkain at agricultural inputs papunta at mula sa mga lugar ng produksyon at pagkonsumo, partikular ang mga tinamaan ng Bagyong Odette.
“We will see to it that food supply lines are kept open, in partnership with the LGUs, and ensure continuous delivery of major food items and temper prices,” sabi ng opisyal.
Faith Argosino