Ang intensive care unit (ICU) para mga pasyente na may coronavirus disease (COVID-19) sa Philippine General Hospital (PGH) ay umabot na sa buong kapasidad, ayon mismo sa tagapagsalita ng ospital na si Dr. Jonas del Rosario nitong Sabado, Ene. 8.

“Ngayon po yung aming ICU ay puno, 100 occupied yung ICU for COVID. Pero yung amin pong beds, actually hindi kami makapaglagay ngayon ng cap kasi marami sa aming non-COVID patients, nagiging COVID kaya di rin naman namin sila naidadagdag lang,” ani del Rosario sa isang virtual public briefing.

“We’re probably about 80 percent of our occupancy now. Pero dahil kami po ay COVID-referral center at marami po sa aming pasyente merong talaga namang non-COVID concerns at nagkaka-COVID lang sila along the way, tinatanggap namin,” dagdag niya.

Sa kasalukuyan, ang PGH ay umaasikaso sa 255 na mga pasyente ng COVID-19.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ni Del Rosario na ang ospital na pinapatakbo ng estado ay nagbubukas ng higit pang mga kama at muling nagbubukas ng higit pang mga ward upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga pasyente ng COVID-19 na nangangailangan ng admission.

Gabriela Baron