Itinanghal na "Best Supporting Performer' sa dalawang kategorya ang Filipino theater actor na si Van Ferro para sa prestihiyosong 2021 Regional BroadwayWorld Chicago Awards, noong Enero 7, 2022, Chicago time.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/04/filipino-actor-van-ferro-nominado-sa-dalawang-chicago-acting-awards/

Ayon sa press release ng 'Vera Pictures,' nasungkit ni Ferro ang pagkilalang 'Best Supporting Performer in a Play' para sa dulang 'Shipwrecked' ng Oil Lamp Theater, at 'Best Supporting Performer in a Streaming Musical' para sa 'Rip Van Winkle' ng The Sigman Brother.

Pelikula

Toni at Sarah daw mas deserve: Titulong 'RomCom Queen' ni Jennylyn, pinalagan

Larawan mula sa Vera Pictures/Van Ferro

Sa pagpapatuloy, "The 2021 BroadwayWorld Chicago Awards edition also featured multiple awards for Van Ferro related productions. Oil Lamp Theater took home five awards: Best Play and Best Production (In-Person) for Shipwrecked; as well as Best Director of a Play for Corey Bradberry, Best Performer in a Play for Logan Brown, and Van Ferro for Best Supporting Performer in a Play. On the other hand, Sigman Brothers took home three awards: in addition to Ferro’s win for Best Supporting Performer in a Streaming Musical, they also won Best Musical for Rip Van Winkle, and Best Director of a Musical for Jerry Sigman."

"Ferro was most recently seen in another Sigman Brothers’ production of Christmas Sonata, an original musical where he plays the featured role of Chef Hans, among other roles. He is in negotiations for another musical with The Sigman Brothers in May 2022, as well as a staged reading of an upcoming original musical by Marie Yuen and ENERI Communications, Chinese Cinderella, in April 2022."

Nanguna si Ferro sa bilang ng mga boto na nagmula sa mga tagahanga at tagasuporta. Siya ang kauna-unahang Pilipinong nakapag-uwi ng karangalang ito dahil siya rin ang kauna-unahang Pilipinong naging nominado para sa regional audience awards.

Matatandaang si Rachelle Ann Go naman ang nagwagi sa UK/West End edition ng BroadwayWorld Awards noong 2018. Ang iba pang Pinoy na nabigyan ng parangal sa ibang rehiyon ay sina Vincent Evangelista noong 2016 para sa Houston region, at si Jaygee Macapugay noong 2019 para sa Berkshires region.

Isinilang si Ferro sa Baguio City subalit sa Maynila siya lumaki. Nanirahan siya sa Amerika noong 2005 at nagsimulang umarte sa teatro noong 2006. 2018 naman, isa na siyang ganap na professional theater actor.

Nasa high school pa lamang daw ay kakikitaan na ng kahusayan si Ferro, hindi lamang sa pag-arte, kundi sa public speaking at debate. Mahusay rin siya sa industrials at pagbo-voice over. Masayang-masaya ang kaniyang mga naging guro at naging kamag-aral sa panibagong milestone na ito sa buhay ni Ferro.

Bukod sa teatro, napabilang din siya sa mga TV shows sa US gaya ng ‘Kitty Diaries’, ‘Corona Diaries’, at ‘Message in the Sand’.

Isa rin siyang registered nurse, office manager, at stand-in.

"I’m very grateful for all the people who took their time to cast a vote for my performances last year. It has been a tough time for a lot of us in the industry, but being honored for my work in this difficult year made all the sacrifices and the hard work worthwhile," pahayag ni Ferro nang matanggap ang mga parangal.

May mensahe naman siya para sa mga kababayang Pilipino na gaya niya ay nalilinya ang pangarap sa larangan ng sining at pag-arte sa teatro. Kayang-kaya umanong makipagsabayan ng mga Pilipino sa ibang bansa.

“I hope that this achievement will inspire someone to follow us in the arts and theater because now, the doors are open and we’ve proven that we can get toe to toe with world-class talents. It is a testament to the power that Filipinos have when it comes to the art of performing,” aniya.

Congratulations, Van Ferro!

Para sa buong listahan ng mga nagwagi, magtungo lamang sa https://www.broadwayworld.com/chicago/article/Winners-Announced-For-The BroadwayWorld-2021-REGION-Awards-2001010170.