Ibinahagi ng estudyanteng si Samantha Ganapin Yara ang naranasang kabutihan nito mula sa 80 years old vendor sa Rizal Avenue Puerto Princesa City, Palawan.

Sa kanyang Facebook post, ikinuwento nito na inalok siya ng isang matanda ng binebenta nitong hikaw. Ani pa ng matanda, buena mano si Yara o siya ang kanyang first customer.

Larawan: Samantha Ganapin Yara/FB

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

At dahil may extra namang pera si Yara, bumili ito. Pagkatapos makuha ang hikaw, tinanong siya ng senior citizen vendor kung may kapatid daw itong babae o kasama niya ang kanyang nanay. Binigyan niya ng isang pang hikaw si Yara nang libre.

Pinilit pa nito na bigyan ng bracelet at necklace nang libre ngunit tumanggi na si Yara dahil wala itong dalang pambayad.

Sagot naman ng matanda kung bakit niya ginagawa iyon ay dahil gusto daw nito maging mabait sa kapwa dahil ito ang turo ng Diyos.

"He insisted na bigyan pa ako ng bracelet and necklace FOR FREE pero tumanggi ako kasi wala na ako pambayad (wala na ako change) ☹️ sabi ko wag niya na ako bigyan, sabi niya 'gusto ko lang maging mabait, kasi yan ang turo ng Panginoon,'" ani Yara.

Hinikayat naman ni Yara ang iba na bumili ng binebenta ng senior citizen vendor na nagkakahalaga ng 20 pesos hanggang 300 pesos.

Larawan: Samantha Ganapin Yara/FB

"So please if mapadaan kayo and u have extra, pls buy kay Tatay! thank you guys. Happy New Year!" ani Yara.