Nakatakda nang ilabas ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang desisyon sa kinakaharap na disqualification case ni presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.
Sa Twitter post ni Presiding Commissioner Rowena Guanzon nitong Sabado, Enero 8, binanggit na pagkatapos ng raffle ng kaso sa Lunes, isasapubliko na ng 1st Division ng Comelec ang resolusyon sa usapin sa Enero 17.
Nitong Biyernes ay nagsagawa ng preliminary hearing ang Comelec sa kaso at binigyan din nila ng 48 oras ang mga naghain ng petisyon na sinaBonifacio Ilagan at Akbayan party-list, gayundin si Marcos, upang magsumite ng kanilang memoranda sa pamamagitan ng electronic mail (email).
Matatapos ang filing period sa Enero 9, Linggo ng tanghali.
Nauna nang hiniling ng mga nagpetisyon na i-disqualify ng Comelec si Marcos dahil nahatulan na ito ng hukuman sa kasong pagkabigong maghain ng income tax returns mula 1992 hanggang 1995.
“We bring a strong case and the evidence will show that Marcos’ unfitness for public office will eventually come to light,” pahayag ng Akbayan.
Matatandaang nagpositibo sa COVID-19 si Marcos matapos mahawa sa kanyang chief of staff na si Vic Rodriguez at sa isa niyang security escort kamakailan.