Isang dalagita ang naiulat na binawian ng buhay at nasugatan naman ang isang sanggol sa naganap na sunog sa Pasig City nitong Sabado, Enero 8 ng umaga.

Ang namatay ay nakilalang si Gelyn Carol Advincula, 16, habang ang nasugatang sanggol ay nakilalang si Katrina Baqacina, 2-buwang gulang.

Sa ulat ng Pasig City-Bureau of Fire Protection (BFP), ang sunog ay naganap sa Hillcrest Drive, Brgy. Oranbo, dakong 2:05 ng madaling araw.

Sinabi ng BFP, hindi na nakalabas sa nasusunog na bahay si Advincula.

Metro

‘Enerhiya sa basura?’ MMDA at DOE, lumagda ng kasunduan para solusyonan mga basura sa NCR

Tinatayang aabot din sa limang pamilya o 15 indibidwal ang naapektuhan ng insidente na sinasabing nagsimula sa main entrance ng dalawang palapag na bahay na pag-aari atinookupahanng isang Geraldine Villamin.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ang sanhi ng sunog at tinatayang aabot naman sa ₱3.6 milyon ang halaga ng naabong arian-arian.

Mary Ann Santiago